Monday, January 24, 2005
maligayang kaarawan ARISE!
Bilang pag-gunita sa ika-pitong taong kaarawan ng Alliance for Responsive Involvement and Student Empowement, isang grupo ng mga mag-aaral na naglalayong palawigin ang isang mulat at makabuluhang pagkilos sa Kolehiyo ng Inhinyeriya ng UP, narito ang isang akda ng isa sa aking mga kasamahan sa pagbuo ng progresibong grupong ito, hango sa isang liham na kanyang ipinadala sa aming yahoogroup.
Sa lahat ng mga nagsimula, nagpatuloy, at nagpasigla sa ARISE, mabuhay kayong lahat!
|
Sa lahat ng mga nagsimula, nagpatuloy, at nagpasigla sa ARISE, mabuhay kayong lahat!
PAGMUMUNI-MUNI...
parang kailan lang, sa hardin ng bahay nila JP, pitong taon na ang
nakalilipas.. natatandaan ko pang parang kahapon lang.. malamig ang
hangin, kakilig-kilig.. walang ulap o buwan kaya't piyesta ang mga
bituin.. nagngingitngit pa nga ang mga rottweiler sa tabi, gusto yata
akong lapain.. samu't saring ang mga dumalo.. merong fratman na
naghahanap ng away, merong sumunod lang dahil andun ang crush nya,
merong tumakas nang walang paalam sa magulang, merong mangiyak-ngiyak,
merong bangag sa puyat, merong nagc-cram para sa exam bukas, meron
namang gutom at nagpaparinig ng pakain.. nung gabing yun, nagpulong
kami para bumuo ng isang partido.. korning-korni pa nga kami sa
mungkahi ni GLENN na pangalan..
"ARISE?? suggestive ha.."
buong buo ang loob namin nun.. nagmula man sa paghihinagpis sa dumi ng
pulitika ang pakay ng munting miting namin, lahat ay may iisang
pangarap.. ang magkaroon ng partidong tapat, makabuluhan.. kung saan
lahat ng kasapi ay aktibo at malinis ang hangaring maglingkod.. isang
samahan ng mga tunay na lider.. yun bang gustong gamitin ang kanyang
talino't galing para sa ikakabuti ng lahat.. yung nangunguna sa
paggalaw at hindi lang nakatunganga't nakabihag sa pamumulitika..
"o sige na nga, ARISE na lang.. wala na tayong maisip, eh gabi na..
inaantok na 'ko.."
kaninang umaga, may nakuha akong text galing kay RB, happy birthday
daw.. aba'y loko, hindi ko birthday ngayon.. birthday ng ARISE,
birthday nating lahat.. pitong taong gulang na pala sya..
(MIKE tama ba? baka mali na naman computation namin..)
pitong taon mula nung mangarap tayo.. pitong taon, at hanggang ngayon,
buhay pa rin ang mga prinsipyo nya.. hindi nagbago ang puso.. kung
tutuusin nga, lalo pa syang naging tapat sa kanyang layunin..
nakakamangha.. kung alam nyo lang ang mga nasa isip ko habang nakaupo
sa hardin nila JP...
*ok to, pero baka hindi magtagal a.. sobrang idealistic.. pero bahala
na si batman.. suntok sa buwan.. at least, sinubukan namin..*
wow.. pahiya ako dun a.. taon-taon pinaaalala sa akin ng ARISE na ok
lang ang mangarap.. ok lang suntukin ang buwan.. ok lang na magtiwala
kay batman.. kung tunay at tapat naman ang hangarin mo, kung nasa
tamang lugar ang puso mo, hindi ka magkakamali.. ang swabe pa dyan,
marami pang makikiisa sa yo!! ang dami mo palang katulad na gusto
ring maglingkod nang tapat..
*cool pala ang mag-OUT sa pagiging idealistic*
sabi nila, paglabas ko raw ng UP, madi-disilusyon ako.. (hmmm.. tama
nga naman yun).. pero bawat pagkakataon na malugmok ako sa lungkot
dahil sa kawalan ng sistema, katiwalian, at pangbabastos ng kapwa,
iniisip ko na lang ang ARISE..
noon, napagdaanan namin ang kasangsangan ng pulitika, ang kawalan ng
saysay ng mahinang pamumuno, ang paninira at pagpatay ng aming
prinsipyo.. pero nangarap kami, naghanap ng pagbabago, kumilos..
nagtagumpay kami noon.. tagumpay pa rin tayo hanggang ngayon.. walang
rally, walang libreng tulong o pabuya mula sa mga makapangyarihan..
maliliit na boses lang kami noon.. nagsama-sama, nangarap, kumilos..
yun lang pala ang kailangan,'no??
MALIGAYANG KAARAWAN SA ATING LAHAT!!!
--
Edelle A Lorenzana