Saturday, February 17, 2007
//she
10. is terrified of cats and mascots
9. tickles her ears with her hair
8. loves the feel of her favorite pillow on her lips
7. dreams of going to Paris
6. is worried about getting old (we're growing old together)
5. has eyes that disappear everytime i make her laugh
4. cries when she's happy
3. loves the rain
2. inspires me to love
1. is my stainless steel soulmate

Comments: 
Sunday, February 11, 2007
//best friends
so the story goes, and it begins once again. two of my best friends got married yesterday, and i had the deep honor of being chosen as their best man. but it has been a deeper honor to have been with them through laughter, hard times, and those precious times in between.
to my idol and to my confidante - may you continue to live each day like your last, and each night like your first.
Comments: 
Thursday, February 01, 2007
//olats
A couple of months ago, I sent in my entry to the Shell General Business Principles (SGBP) Essay Writing Contest.
There were three winners and I can only guess from the number of times the submission deadline has been moved, about 4 entries, including mine.
Here's my losing entry.
*****************************
MGA BATAYANG PRINSIPYO MULA SA ISANG PIRASONG MENTOS
Hawak ko ngayon sa aking kamay ang isang pirasong Mentos. Kung titingnang mabuti, may taglay na hiwaga ang Mentos. Puti sa labas, puti din sa loob. Nguyain mo man ito ng ilang beses, puti pa rin ang kulay nito. Ito ay naiiba dahil matigas ang panglabas, at napakalambot sa loob. May anghang ito na nagbibigay ginhawa at preskong pakiramdam habang tumatagal. Sa totoo lang naiwan ko ito sa aking drawer nang matagal, ngunit hindi nagbago ang lasa, at kapag kumkain ako nito, nawawala ang aking masamang hininga. Iisa lang ang hugis ng Mentos, saang bansa ka man magpunta – noong nakaraang linggo may bisita akong mula sa Croatia at may baon siyang Mentos. Sa palagay ko nga, Mentos na rin ang nilulunok ni Narda upang sagipin ang sangkatauhan bilang si Darna.
Pinagaralan ko ang kasaysayan ng Mentos (Oo, inaral ko talaga, mabuti na lamang at may Google na) at aking napag-alaman na nagsimula pa pala ito noong taoong 1932. Sumabay sa galaw ng panahon, nagkaroon ng iba’t ibang lasa, ngunit hindi nagbago ang orihinal na mint-flavored Mentos. Sa pagdating ng panahon ng globalisasyon, lalo pang nagpalawig ang Mentos at kumalat sa buong mundo.
Pagkatapos ng aking pag-goo-Google, di ko naiwasang itanong sa aking sarili - Sa gitna ng napakatinding kumpetisyon sa panahon ng malayang pandaigdigang kalakalan paano nga ba tumagal at lalo pang umunlad ang isang napakasimpleng bagay na katulad ng Mentos? Paano nga ba tayo uunlad sa mga panahong ganito, kung saan lumiliit ang mundo, bumibilis ang takbo ng buhay, at ang impormasyon ay naaabot sa isang pindot lang ng ating mga daliri? May puwang pa ba ang mga prinsipyo sa isang mundong pinagbigkis ng teknolohiya?
Sa aking pagsisiyasat ng sarili kong damdamin, sa kagustuhang matanto ang kasagutan sa huling katanungan na ito, isang daluyong ng mga diskurso at pakikipagtalo sa aking kunsensiya ang aking pinagdaanan. Hindi ba’t noong tayo’y mga bata pa at napakapayak pa lamang ng buhay ay napakadaling sumunod sa alituntunin ng ating paaralan at utos ng ating mga magulang? Madaling sumunod dahil simple at madaling unawain ang mga epekto at dahilan ng tamang pag-gawa – kapag ginawa mo ang iyong mga takdang-aralin ay tataas ang iyong marka, lumayo ka sa telebisyon dahil lalabo ang iyong mga mata, magmano sa nakatatanda dahil ito’y tanda ng paggalang, magpakabait ka at may regalo ka galing kay Santa Claus.
Diyata’t habang tumatanda tayo ay tila nagiging mas mahirap maging masunurin. Kasabay ba ng pagkalagas ng buhok ay nababawasan din ang ating pag-unawa?
Isang malinaw na halimbawa ay ang pagdating sa aking mesa ng isang malaking sobreng may lamang isang makapal na aklat. Shell Code of Conduct ang pamagat. Sa aking isipan, hindi pa ba sapat na tandaan na ang ating mga prinsipyo ay nababalangkas sa tatlong kataga lamang? Katapatan (Honesty), Kalinisang Budhi (Integrity) at Pag-galang sa Kapwa (Respect for People)?
Sa pagdagdag ng taon, dumadami ang responsibilidad, at tayo’y namumulat sa mga realidad ng ating lipunan. May katiwalian sa lahat ng antas ng pamahalaan. Sa Pilipinas, walang natatalo sa eleksyon, lahat ay dinadaya. May mga anomalyang nangyayari sa ilang kalakaran ng mga negosyo. Hindi mo maaasahang lalabas ang katotohanan sa lahat ng pagkakataon, dahil kadalasang ang katotohanan ang unang biktima sa kagustuhan ng tao na iwaglit ang sarili sa kanyang pagkakamali. Ang iyong trabaho, maging ang kumpanya kung saan ka nagtatrabaho, ay maaaring mawala sa isang iglap lamang. Hindi ka bibigyan ng regalo ni Santa Claus at lalong hindi ka sasagipin ni Darna sa panahon ng iyong pangangailangan.
Hindi maikakaila ang ating pagkamulat sa mga katotohanang dala ng ating pagkakaroon ng mas malawak na pag-unawa sa lipunan. May ilang pagkakataon na ang iyong sariling paninindigan ay maisasalang sa matinding pagsubok kung saan ang maaring kapalit ay ang iyong trabaho, ang iyong pag-unlad bilang isang propesyonal, at sa ilang pagkakataon, maging ang iyong sariling buhay. Sa aking murang edad, nasaksihan ko na kung paanong ang mga sarili kong kaibigan at katrabaho ay nalagay sa panganib sa kagustuhang gawin ang mga bagay na pinaniwalaan nilang tama. Masakit isipin ngunit ang pinakamalupit na katotohang aking natunghayan ay ito: Sa mundong ito, hindi palaging nangingibabaw ang mabuti sa masama.
Subalit kasama ng mapait na pagkamulat sa mga katotohanan, ay ang matamis na pagkakataon upang ating lalong iangat ang ating sariling kamalayan.
Malakas man ang agos ng kabuktutan sa ating kapaligiran ay palaging nandiriyan ang ating kapangyarihang piliin ang kabutihan.
Piliing ipaglaban ang katotohanan.
Piliing ipagtanggol ang karapatan ng iyong kapwa.
Piliing huwag matakot at magsalita para sa kapakanan ng katuwiran.
Piliing maging maka-Kalikasan.
Piliing maging maka-Tao.
Piliing maging maka-Diyos.
Sa layo ng narating ng aking diskurso ukol sa mga prinsipyo sa gitna ng lumalawak ngunit lumiliit na mundo, ako’y nagsimula sa Mentos, at magtatapos sa Mentos. Puti sa labas, puti sa loob. May anghang ngunit may tamis na iniiwan. Matigas ang panglabas ngunit may kaaya-ayang lambot sa kaloob-looban. Nagbibigay ng lakas ng loob upang magsalita at ipakita ang nasa kalooban. Makailang ikot man ang mundo, ang lasa at anyo ay hindi nagbabago.
Kaibigan, hindi mahirap humanap ng Mentos.