<$BlogRSDUrl$>

Monday, September 27, 2004

//the god of blinding love  

Think about this.

Look.

In some old love song, it is said that love is all around. While it is true that love is easily found with the way two people look at each other, in the cups of late night coffee, in laughters being shared...

It is equally easy to miss the bad things that are prevalent in some relationships.

Especially when we're part of them.

They say love is blind. I say, Love makes us Blind.

Look around you. You might not even have a clue, but a loved one just might be a victim of The Vicious Cycle. Of the God of Blinding Love.

To my stainless steel friend, this is for you.

Basic Rights in a Relationship
from Patricia Evans

The right to good will from the other.
The right to emotional support.
The right to be heard by the other and to be responded to with courtesy.
The right to have your own view, even if your partner has a different view.
The right to have your feelings and experience acknowledged as real.
The right to receive a sincere apology for any jokes you may find offensive.
The right to clear and informative answer to questions that concern what is legitimately your business.
The right to live free from accusation and blame.
The right to live free from criticism land judgment.
The right to have your work and your interests spoken of with respect
The right to encouragement.
The right to live free form emotional and physical threat.
The right to live free from angry outburst and rage.
The right to be called by no name that devalues you.
The right to be respectfully asked rather than ordered.


Comments: 


Wednesday, September 15, 2004

//sperm in a million  

so apartment-mate volt, his commander-in-chief donna and i celebrated our birthdays last month. and corrosion engineer (translation: boy kalawang) emerson, one of the refinery newbies, topped the metallurgical engg board exams.

4 reasons to party. and another reason for me to come up with another smart-ass invitation...



in case you didn't notice. that's not really a sun...

Comments: 


Friday, September 10, 2004

//hsse week pics  

shell is celebrating its annual health, safety, security and environment week, ending today.

as always, you participate, you get your photograph taken. =) one of the perks of working in a refinery is, you get to do all those crazy stuff: like climbing up a 300-foot structure, crawling inside dark pipelines, and wearing all those crazy costumes taken straight out of a sci-fi novel. and you get your photograph taken while you're at it...


firefighter's challenge... bukas pa ang 9-11!



"take me to your leader..." it's called a chemical suit.

Comments: 


Wednesday, September 08, 2004

//retro 94s  

our batch in the upsilon is celebrating its 10th anniversary in the frat.



ten years ago, we launched our first ever batch project as residents: similarly, a golf tournament at east ridge.



two weeks ago, in celebration of this, and in memory of our ka-batch jason haboc osorio, we were lauded by our fellow alumni for a successful golf tournament in malarayat.



10 years. less hair, more weight, less time together. same old us.


Comments: 


Monday, September 06, 2004

//building homes with gawad kalinga  

the date: saturday, september 4th

the place: san vicente libjo, batangas city

who: volunteers from shell and couples for christ

what: shell-gawad kalinga build activity

the effort:



the group:



the prize:



more pics here....


Comments: 


Friday, September 03, 2004

//minsan sa may kalayaan  



minsan sa may kalayaan tayo'y nagkatagpuan
may mga sariling gimik at kaya-kanyang hangad sa buhay


medyo angas pa pakiramdam ko nun. taga-pisay eh. maraming kakilala kahit bagong salta. siguradong di mahihirapan sa UP. pero nagkamali ako. sa buhay natin, kahit anong gawin natin, napakaraming posibilidad. napakaraming mga pagkakataon at mga pangyayari at hindi maiiwasang makahanap tayo ng mga kaibigan.

hindi ko malilimutan na nagsimula sa unang gabi sa kalayaan lobby. para kaming mga timang na naka-bangla sa mga nagagandahang mga babaeng nagche-check in sa dorm. halu-halo, di kami magkakakilala, pero di nagkakalayo ang mga trip namin kaya kami nandun noong oras na iyon: merong naghahanap ng cute, merong gustong magpa-cute, merong gustong manimbang ng mga bagong mukha, merong naandun para mang-gago lang. tawa kami nang tawa nung nilapitan ni cocoy yung isang tisay. mahaba ang buhok, mukhang mahinhin, pero nung ngumiti kulang pala ang ngipin. wag mo na itanong kung sino yun, igalang na lang natin pagkatao nya.

ganito kasimple ang buhay namin dati. aral, tambay, kain, tulog, tambay, yosi, inom. andaming klase ng tao, lahat kailangang pakisamahan. si etok, medyo weird na parang galit sa mundo, pero okay kausap pag nasa mood. si lazaro, may pagka-nerd at promdi ang dating, at halatang excited sa buhay sa lungsod. laging pinagtitripan dahil sasakyan ka lang kahit anong banat mo, pero nung sumali ng frat, medyo naging mainitin ng ulo, kaya nung tumagal pinapabayaan na lang. si eumir, talagang unang tingin mo pa lang may pagkamanyakis na, yung tipong hindi mo iiwan kaibigan mong babae sa kanya. noon lang ako nakakilala ng lalaking kiss and tell. blow by blow magkuwento ng mga sexcapades nya. medyo hindi na nga ako naniniwala kung minsan. tingin ko kung nakakulong yun ngayon, statutory rape ang kaso nya. si ivan, roommate ni eumir, kilala ng lahat. matangkad, magaling magbasketball, magandang lalaki. may kalokohan din sa katawan pero matinong tao. siya ang taga-gupit ng plastic bottle ng mineral water para gawing tagayan ng gin. gitarista ko sya nung isang beses na nauto ako ng dorm council na kumanta ng "creep" sa valentine's dating game, kakahiya yun. ngayon, newscaster na, sikat! si ronald, high school pa lang, bespren ko na. kaso nagkataong nain-lab kami sa iisang babae, kaya muntik na kaming magsapakan minsan. ako kasi pinili nung girl, di ata matanggap ng kaibigan ko na paminsan nakakaisa rin ang simpatiko sa mukhang model ng bench.

sa ilalim ng iisang bubong
mga sekretong ibinubulong
kahit na anong mangyari
kahit na saan ka man patungo


madami ding mga intriga sa dorm. yung mga taga-pisay na nasa first floor. di ko alam, dami palang mga girls ang kinikilig sa kanila. pero mortal naming kaaway yung mga taga-masci na nakatira sa basement. kahit na nagkalampasan na sa corridor, naghahabulan pa rin ng titigan. muntik na ngang magka-rumble. parang universal motion dancers versus streetboys ang dating, hehehe. yung dalawa kong kaibigan, minsan, nag-absent sa ROTC. pagbalik namin galing vanguard complex, nahuli silang namboboso sa kisame ng girl's wing. tangina, dyahe. gustong-gusto ko silang batukan (bakit di kayo nagdala ng camera????) kasi sobrang kahihiyan ang inabot nila. mantakin mong mag-public apology kayo sa lahat ng babae sa buong dorm. 300 plus na babae. at hindi sila fans... ngi...

syempre, di nawawala ang mga crush dito crush doon. yung una kong crush sa UP, si kaka. taga ba wing, partner floor naming mga taga second floor boys. minsang nagkatuwaang mag-soiree (hambaduyyy) ako nakabunot ng meal card nya, na ang ibig sabihin ay siya ang ka-partner ko sa dinner na isang pirasong fried chicken, at sabaw na may sago. akala ko dun na magsisimula yung love story namin. hindi pala. hanggang dun na lang yun, period.

sa kalayaan ko nakilala ang unang babaeng nagmahal sa kin, (bukod sa nanay ko)... di ko na maalala kung pano nagsimula, basta ang alam ko si ronald, yung bespren ko, ang may tipo kay lani. kaso, hindi porke guwapo, hindi tinatablan ng pagka-torpe at ng sakit na kung tawagin ay "style-bulok." kaya ayun, kelangan samahan para di magkamali ng hirit. kaso, parang sa pelikulang ala-onemig-mikee-aga, ako ang napalapit sa babae. napakanta tuloy si mokong ng "why can't it be? why can't it be the two of us..."

sa kalayaan ko rin nakilala si ube. mahabang kuwento din to, pero kahit sa labas ng kalayaan nabuo ang aming pagkakaibigan, di ko pa rin makalimutan yung araw na nakilala ko sya sa lobby ng kalayaan. nakapambahay sya, puting t-shirt at puruntong shorts na bulaklakin. pero sa kalayaan nagsimula yung mga weekends na umuuwi kami nang sabay papuntang batangas, at panay ang reklamo ko dahil gusto nya, alas sais nang umaga eh nakasakay na kami sa bus. ngayon, nasa canada sya at ako, nananabik pa rin sa kanyang pag-uwi. kung puwede lang mag-bus papunta dun, susuduin ko na siya.

minsan ay parang wala nang bukas sa buhay natin
inuman sa magdamag na para bang tayo'y mauubusan
sa ilalim ng bilog na buwan
mga tiyan nati'y walang laman


sabi nila, ang taong lasing, hindi nagsisinungaling. di ko alam kung totoo yun, kasi pag lasing ka, wala kang maaalala. pero naalala ko yung isang inuman namin sa first floor, mga bente kami sa isang kuwarto, pero bawal mag-ingay kasi baka mahuli. eh putanginang joal, nagpatawa, eh di naghagikgikan lahat. ayun, may kumatok sa kuwarto, si ate elvie. huling huli si joal na may hawak na gin, na wala nang nasabi kun hindi "ate, tagay mo na..."

sa third floor, ko naranasan malasing hanggang sa gumapang ako pabalik sa kuwarto. sa kuwarto ng kababayan kong si jerome. classmate ko sya nung elementary. sinapak nya ko sa kanang mata noong grade 4 kami dahil kinukulit ko minsan sa math. wala na sya ngayon, kinitil nya ang sarili nyang buhay noong college.

ngunit ngayon kay bilis maglaho ng kahapon
sana'y huwag kalimutan ang ating mga pinagsamahan
at kung sakaling gipitin ay laging iisipin
na minsan tayo ay naging
tunay na magkaibigan
ngunit kahit na walang pera
ang bawat gabi'y anong saya


madalas, wala kaming mga pera. nagtitiyaga sa sky flakes sa para di magutom habang nag-aaral, magru-room hopping kapag walang magawa, mag-aaya ng inuman sa katabing kuwarto, naghihiraman ng bluebook, toothpaste, tissue paper, scientific calculator, sample exam sa physics. sa hapon, laman kami ng basketball court. sa gabi, lumalabas ang mga kalokohan. nakilala kaming "oblation boys" dahil tuwing mag-i-insepct sa ate eden, ang graduate assistant ng dorm, inaabutan nya ang mga tukmol sa floor namin na naka-brief lang habang nag-aaral sa kuwarto. kaya siguro kami ang paboritong bisitahin kuno.

minsan ay hindi ko na alam ang nangyayari
kahit na anong gawin
lahat ng bagay ay merong hangganan
dahil ngayon tayo ay nilimot ng kahapon
di na mapipilitang buhayin ang ating pinagsamahan
ngunit kung sakaling mapadaan baka
ikaw ay aking tawagan
dahil minsan tayo ay naging
tunay na magkaibigan


madaming alaalang masarap balikan sa kalayaan. yung food poisoning sa canteen, yung mga panahong ipinag-iigib ko ang mga babaeng di ko kilala mula sa poso sa may court, ang pagro-rosary sa lobby para makakilala ng chicks, ang sabaw na may sago, lasingang hindi na mabilang kung ilan.

sana lang, magkaroon ng isang pagkakataong magkikita kaming muli. di lang para humingi ng autograph kay ivan mayrina at kay zorah ruth andam, pero para magkabiruan lang at magtawanan, balikan ang matamis na nakaraan, alalahanin ang mga kasamahang lumisan.

masaya rin siguro kung mayroon konting inuman.

Comments: 


This page is powered by Blogger. Isn't yours?